-- Advertisements --
apayap floods 3
Apayao floods (photo courtesy Rufino “Pinoy” Gonzales)

BAGUIO CITY – Idineklara ang state of calamity sa bayan ng calanasan sa lalawigan ng Apayao dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Quiel at tinatawag na frontal system.

Ayon sa provincial government ng Apayao, inaprubahan ng sangguniang bayan ang resolusyon para sa deklarasyon ng state of calamity sa kanilang lugar dahil sa mga insidente ng pagguho ng lupa.

Nakasaad sa resolusyon na labis ang pagbaha sa bayan ng Calanasan kaya tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog.

Sinabi pa ng mga opisyal ng bayan na marami na rin ang nasira sa sektor ng agrikultura partikular sa mga palayan.

Ayon sa Apayao DRRM council, marami na ring mga establisyemento ang nasira matapos pasukin ng tubig ang mga ito.

Napag-alamang ilang mga kalsada at tulay ang nasira sa Calanasan dahil sa epekto ng malakas na ulan.

Samantala, ipinag-utos na ni Apayao Governor Eleanor Bulut-Begtang ang pre-emptive evacuation at forced evacuation sa mga pamilyang nakatira sa mga identified high risk areas, partikular sa mga flood at landslide prone areas sa lalawigan.

Suspindido rin ang klase sa Apayao mula pa noong hapon ng Miyerkules.

Patuloy naman ang pagbantay ng provincial DRRM Counil sa mga high risk areas sa Apayao at sa pagbiyahe ng mga relief goods sa mga apektadong bayan.