LAOAG CITY – Idineklara na nang pamahalaan ng lungsod ng Laoag ang state of calamity dahil pa rin sa epekto ng bagyong Ineng sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Sa isinagawang special session kaninang umaga ng sangguniang panglungsod idineklara ang pagsasailalim sa state of calamity sa lugar.
Nabatid na si Councilor JV Baquiran, chairman ng committee on natural disaster ang nagpanukala sa naturang hakbang.
Isa rin sa mga basehan ay ang report ni Dr. Melvin Manuel, head ng City Disaster Risk Reduction Management Office na nagsabing nasa 80 percent na bahagi ng lungsod ay nabaha.
Sinabi nito na 151 ang bilang ng mga nagsilikas o 80 pamilya habang sa Barangay Nangalisan sa siyudad ay nasa 400 katao naman ang apektado nang pinasok ng tubig-baha ang kanilang mga bahay.