Malubha pa ring naaapektuhan ng umiiral na El Niño phenomenon ang ilang munisipalidad sa lalawigan ng Antique.
Sa isang pahayag, sinabi ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Broderick Train, dahil sa nararanasang epekto ng matinding init ng panahon ay isinailalim na sa State of Calamity ang munisipalidad ng Sibalom.
Inihahanda na rin ng ahensya ang pagdedeklara nito sa bayan ng Anini-y sa nasabing lalawigan sa mga susunod na araw.
Batay sa datos ng DRRM, ramdam na rin ang pagkalugi sa kita ng mga hanapbuhay sa munisipyo ng Sibalom.
Ayon sa ahensya, partikular na rito ang pagkalugi sa pagtatanim ng Palay.
Aabot naman sa kabuuang ₱42.5 million ang pagkalugi sa agrikultura mula pa noong unang buwan ng Enero.
Samantala, aabot naman sa walong barangay ang nakararanas ng kakulangan sa supply ng maiinom na tubig.
Ito ay kinabibilangan ng barangay Lacaron, Mojon, Igsuming, Maasin, Tula-tula, Igdalaquit, Calo-oy, at Salvacion.
Bilang tugon dito ay nagsawgawa naman ang BFP ng rasyon ng tubig sa mga nabanggit na mga lugar.