-- Advertisements --

Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.

“Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143,” ani Sec. Roque.

Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan maging ang local government units (LGUs) na makipagtulungan para matiyak na matutuldukan ang paglaganap ng ASF.

Pinatitiyak din ni Pangulong Duterte na maging sapat ang supply ng karne sa palengke at maging matatag ang presyo nito.

Kinakailangan ding ayudahan ang mga magbababoy para makarekober sa ASF.