-- Advertisements --
Inilagay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon region sa state of calamity.
Ito ay dahil sa matinding pinsala dulot ng magkasunod na bagyong Rolly at typhoon Ulysses.
Sa kaniyang talumpatai nitong Martes ng gabi, sinabi nito na nitong nakaraang Lunes pa ay napirmahan na niya ang nasabing mga papeles na naglalagay sa state of calamity ang buong Luzon.
Nauna nang inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang declaration ng state of calamity sa buong Luzon dahil sa matinding pinsala na iniwan ng mga bagyo.