ILOILO CITY – Magtatagal pa hanggang sa susunod na linggo ang pagpailalim sa Passi City sa State of Calamity bunsod ng masamang panahon.
Ang nasabing lungsod ay component city ng Iloilo Province.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, sinabi nito na 32 sa 51 mga barangay sa lungsod ang binaha.
Ayon kay Palmares, 16,000 naman na mga indibidwal ang naapektuhan ng low pressure area.
Anya, nakabalik na rin sa kanilang mga pamamahay ang mga evacuees.
Ngunit ang mga nasirang imprastraktura sa lungsod kagaya ng river wall sa inaayos na Passi City Esplanade ay nasira rin.
Sinabi ng alkalde na sa sampung taon, ngayon lang sila muli nakaranas ng matinding pagbaha sa lungsod.
Napag-alaman na ang tubig baha na sumalanta sa mga apektadong barangay ay nagmula sa umapaw na ilog ng Lamunan at Jalaur.