-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Idineklara ng sangguniang panlalawigan ng Mountain Province ang state of emergency sa buong lalawigan dahil sa mataas na kaso ng dengue.
Resulta ito ng rekomendasiyon ng Mountain Province Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa isinagawang Emergency Council Meeting.
Batay sa rekord ng Mountain Province Provincial Health Office (PHO), aabot sa 503 na kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Agosto 27 ngayong taon kung saan dalawa ang nasawi dahil sa dengue.
Malayong mas mataas ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa 117 na kaso na naitala sa Mountain Province sa kaparehong mga buwan noong 2018.