Nagdeklara na ng state of emergency ang Ontario sa Canada dahil sa mga truckers na nagsagawa ng kilos protesta laban sa mandatory na COVID-19 vaccination.
Ayon kay Premier Doug Ford na maraming mga negosyo ang naapektuhan sa pagsagawa ng kilos protesta sa bahagi ng Ottawa at Ambassador Bridge ang pangunahing tulay nag-uugnay sa US at Canada.
Base sa kautusan na magiging iligal na ang pagsasagawa ng kilos protesta kung saan mahaharap sa pagkakakulong at multa ng hanggang $79,000.
Ipapatupad ang kautusan sa sinumang maghaharang o magpapaantala sa paggalaw ng mga bilihin ganun din ang biyahe ng mga tao patungo sa mga international border crossing.
Maguguntang umabot na sa tatlong linggo ang kilos protesta ng mga truckers na nag-aatas sa mga ito na magpabakuna para makapasok sa Ottawa na nagbunsod na rin sa mga opisyal doon na magpatupad ng state of emergency.