Nagdeklara na ng state of emergency ang local executive ng Del Rio,Texas matapos dagsain ng mahigit 10,000 undocumented migrants ang border ng lungsod.
Ayon kay del Rio Mayor Bruno Lozano na karamihan sa mga migrants ay pawang mga Haitians refugees na nais tumira sa Amerika dahil sa krisis bunsod ng pinsala ng malawakang lindol sa kanilang bansa at nangyayaring political turmoil.
Patuloy aniya na nadadagdagan pa ang bilang ng mga migrants sa del Rio international bridge na kontrolado ng US Customs and Border Patrol (CBP) kabilang na ang libu-libong refugees mula Afghanistan.
Ayon sa US Customs and Border Protection, pansamantalang isinara ang border ng lungsod ng Del Rio para sa safety at security bunsod ng padagsa ng mga migrants sa lugar.
Sa ngayon hindi pa naglalabas ng pahayag ang Biden administration sa naturang isyu.
Maaalala, noong Hulyo nang inihayag ni Pres. Joe Biden na pumapayag ito na manatili sa Amerika ang mga haitians kahit walang US visas matapos ang assassination sa pangulo ng Haiti na si president Jovenel Moise.