Isinailalim ni Chile President Sebastian sa state of emergency ang kaniyang bansa kasunod ang nagpapatuloy na kaguluhan sa bansa kung saan ilan sa mga gusali ay sinunog ng mga raliyista.
Nagbunsod ang galit ng mamamayan dahil sa pagtaas ng pamasahe sa kanilang pampublikong transportasyon. Sinunog din ng mga ito ang ilang metro station, looted shops at public bus.
Ayon kay Pinera, magpapatupad ito ng special state security law upang ikulong ang mga taong responsable umanp sa malawakang pagkasira ng lungsod.
Sa kabila nito, inamin naman ni Pinera na naiintindihan niya ang galit ng kaniyang nasasakupan lalo na ang mga matinding maaapektuhan nang pagtaas ng pamasahe.
“In the coming days, our government will call for a dialogue to alleviate the suffering of those affected by the increase in fares,” ani Pinera.
Isa ang Chile sa pinaka-mayamang bansa sa Latin America. Naging mainit din sa mata ng mga pulitiko ang cost of living sa bansa kung kaya’t ang ilan sa mga mambabatas ay nais ireporma ang tax, labor codes at pension system sa Chile.