Idineklara ang state of emergency sa Ecuador matapos ang assassination sa isang Presidential candidate habang paalis sa isang campaign rally sa capital ng Quito.
Magtatagal ng 60 araw ang idineklarang state of emergency ni Outgoing Ecuadorian President Guillermo Lasso sa buong bansa bilang tugon sa pagpaslang sa 59 anyos na Presidential candidate na si Fernando Villavicencio.
Sa naging address ng Pangulo ng Ecuador, sinabi nito na pinakilos na rin ang armed forces sa buong bansa para matiyak ang seguridad ng mamamayan, kaayusan sa bansa at para sa malaya at demokratikong halalan sa Agosto 20.
Sa isang video footage, makikita na pasakay na sana ng sasakyan ang Presidential candidate nang mangyari ang insidente.
Inassassinate umano ang Presidential candidate sa pamamagitan ng hitman-style at binaril ng tatlong beses sa ulo.
Ayon naman sa attorney general’s office, isa sa mga suspek sa krimen ay namatay kalaunan dahil sa injuries na natamo nito sa shootout.
Nasa 9 na katao din ang nasugatan sa naturang krimen kabilang ang kandidato sa legislature at 2 police officers.
Ayon naman sa kapulisan nasa anim na katao ang kanilang naaresto na may kinalaman sa krimen sa isinagawang raid sa Quito.
Ang pinaslang na Presidential candidate ay isang kilalang kritiko ng korupsiyon at organised crime sa Ecuador.