-- Advertisements --
Idineklara ng Haitian government ang state of emergency matapos ang pagtama ng 7.2 magnitude na lindol na ikinasawi ng mahigit 300 katao.
Ayon kay Haitian Prime Minister Ariel Henry na halos 2,000 katao rin ang nasugatan dahil sa nasabing lindol.
Naglagay na ng mga tents ang ilang mga pagamutan dahil sa patuloy ang pagdagsa ng mga pasyente.
Maraming mga gusali ang gumuho at natabunan na sasakyan sa nasabing paglindol.
Magugunitang sentro ng lindol ang Saint-Louis-du-Sud na mayroong 10 kilometro ang lalim nito base na rin sa pagtaya ng US Geological Survey (USGS).