-- Advertisements --

STATE OF EMERGENCY, IDINEKLARA NA SA BRGY. SAN VICENTE SA BAYAN NG SAN MIGUEL BOHOL MATAPOS MULING NAITALA ANG KASO NG AFRICAN SWINE FEVER; 80 BABOY, ISINAILALIM SA CULLING

Umabot sa 80 baboy ang isinailalim sa culling kasunod ng naiulat na pagkamatay ng 22 baboy at kumpirmadong kaso ng African Swine fever sa Brgy. San Vicente sa bayan ng San Miguel Bohol.

Ito’y batay sa ulat ng office of the provincial veterinarian kung saan 3 sa 13 nakolektang sample ng dugo ang nagpositibo sa asf.

Agad namang gumawa ng hakbang ng pamahalaang panlalawigan ng bohol tulad ng pagsagawa ng mga containment measures at pagdeklara ng asf infected premises and quarantine areas sa nabanggit na lugar.

Bibigyan naman ng indemnification fund ang mga apektadong hog raisers na may p10,000 ang bawat pamilya, P5,000 mula sa pamahalaang panlalawigan at karagdagang P5,000 mula sa Department of Agriculture sa bawat baboy na isinailalim sa culling.

Samantala, ibinunyag naman ni Mayor Ian Gil mMndez na nagdeklara na sila ng state of emergency dahil sa naitalang kaso ng asf.

Sinabi pa ni Mendez na sa ngayon ay “well contained” na umano ito at idinagdag na hangga’t hindi umano tatagal ng mahabang panahon ang containment program ay madadagdagan umano ang tulong na ipaabot sa mga apektadong nag-alaga ng mga baboy.

Ngunit sa ngayon aniya, ay uunahin muna nila ang operasyon at tuloy-tuloy ang containment sa brgy. San vicente.