Nagdeklara na ng state of emergency sa Kurks region ng Russia sa gitna ng nagpapatuloy na pag-atake ng mga tropa ng Ukraine sa cross-border.
Ayon kay acting regional governor Alexei Smirnov, kailangan ang naturang hakbang para maiwasan ang consequences ng pagsalakay ng kalabang pwersa sa kanilang rehiyon.
Batay naman sa Russian officials, nasa 5 sibilyan na ang napatay habang 31 ang naitalang sugatan kung saan 6 dito ay mga bata mula ng magsimula ang naturang pagsalakay ng mga tropa ng Ukraine.
Sa ngayon wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Ukraine sa naturang insidente at ang lawak ng incursion ay hindi pa malinaw sa ngayon.
Una ng iniulat ng Moscow na noong umaga ng Martes, aabot hanggang 1,000 tropa ng Ukraine kasama na ang 11 mga tangke at mahigit 20 armoured combat vehicles ang pumasok sa Russia malapit sa town ng Sudzha, Moscow.
Nag-isyu din ng ilang serye ng air alerts sa Kursk at naobserbahan din ang mga usok na tila mula sa mga pag-atake mula sa ilang lugar sa rehiyon.
Iniulat din ni Kursk Governor Smirnov na libu-libong katao ang inilikas mula sa border areas.