Nagdeklara ng state of emergency ang lungsod ng Miami sa Florida dahil sa naganap na pagtitipon-tipon ng mga tao para sa spring break na malaking banta sa pagdami ng coronavirus infections.
Sinabi ni Miami Beach Mayor Dan Gelber na mayroong 8 p.m. – 6 a.m. na curfew sa Miami Beach at ito ay magtatapos ng hanggang 72 oras.
Isasara rin ang mga negosyo sa lugar.
Dagdagd pa ng alkalde, tila hindi inaalintana ng mga tao na dumalo sa pagtitipon ang pagdami ng kaso ng bagong variant ng COVID-19 dahil hindi inoobserbahan ang physical distancing.
Hindi naman bababa sa 30 mga katao ang inaresto ng mga kapulisan dahil sa mga paglabag.
Ang spring break ay isang holiday period para sa mga paaralan at unibersidad sa US na nagaganap tuwing buwan ng Marso o Abril.