-- Advertisements --
Nagdeklara ang Spain ng nationwide state of emergency dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Prime Minister Pedro Sanchez, na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa second wave nito.
Ang nasabing deklarasyon ay napag desisyunan sa isinagawang cabinet meeting na tumagal ng mahigit dalawang oras.
Magpapatupad rin sila ng curfew mula 11:00 ng gabi hanggang ala-sais ng umaga.
Unang ipapatupad ang 15-araw na state of emergency subalit idudulog ni Sanchez ito sa parliament para mapalawig ito ng hanggang anim na buwan.
Nakasaad sa nasabing state of emergency na malilimitahan ang paggalaw ng mga tao sa bawat lugar.
Magugunitang naging kauna-unahang European country ang Spain na nagtala ng mahigit isang milyong kaso ng coronavirus.