Naglabas ngayon ng emergency measures ang gobyerno ng Thailand na lalong naghihigpit sa mga pagtitipon.
Ang pagpapatibay ng bagong batas ay sa gitna na rin ng mapayapang malaking kilos protesta sa sentrong siyudad sa Bangkok, Thailand.
Kabilang sa naturang mga pagkilos ay ang pangunguna ng mga estudyante na nananawagan sa kanilang prime minister na mag-resign, bawasan ang kapangyarihan ng kanilang hari at bumuo ng bagong konstitusyon.
Ang mahigpit na batas ay nagbabawal sa lima o mahigit pa na pagtitipon.
Pinaiiral din ang media gag tulad nang paglalatha sa online meassages na maaaring makasira sa kanilang national security.
Kasunod nang anunsiyo ng emergency measures, lumutang naman ang impormasyon na tatlong mga lider ng mga nagpoprotesta ang inaresto.
Kabilang umano sa hinuli ay ang human rights lawyer na si Anon Nampa, ang student activist na si Parit Chiwarak o alyas “Penguin” at isang nagngangalang Panusaya Sithijirawattanakul.
Samantala, kumilos na rin ang mga riot police upang buwagin ang mga nagpoprotesta sa harapan ng opisina ng prime minister.
Ang demonstrasyon ay laban kay Prime Minister Prayuth Chan-ocha, isang dating junta leader.
Ang ang panawagan na reporma ay patungkol sa kanilang monarkiya na ang namumuno ay si King Maha Vajiralongkorn.
“It is extremely necessary to introduce an urgent measure to end this situation effectively and promptly to maintain peace and order,” bahagi pa nang anunsiyo sa kanilang state television.