-- Advertisements --
Nagpatupad ng state of emergency ang alkalde ng Ottawa sa Canada dahil sa isinagawang kilos protesta ng mga truckers.
Mahigit isang linggo na kasi na nagsagawa ng kilos protesta ang mga truckers na kontra sa COVID-19 vaccination.
Sinabi ni Ottawa Mayor Jim Watson na hindi na nila makontrola ang mga nagsasagawa ng kilos protesta kung saan nahigitan na nila ang bilang ng mga kapulisan.
Ipinatupad ng mga truckers ang “Freedom Convoy” noong nakaraang buwan bilang pagkontra sa kautusan na dapat ang mga truckers ay mabakunahan na laban sa COVID-19.