-- Advertisements --
Nakatakdang ideklara ng Italy ang state of emergency sa Venice.
Ito ay matapos na makaranas ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar.
Mahigit 80% ng makasaysayang basilica ay nalubog sa baha dahil sa high tides na nararanasan.
Sinabi ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte, na isang mabigat sa kalooban ang nasabing naranasang pagbaha.
Ilang araw din aniyang mararanasan ang nasabing high tides na aabot sa mahigit 50 pulgada.
Ayon naman kay Venice Mayor Luigi Brugnaro na dulot ng climate change ang high tide sa lugar dahil una itong naranasan mataos ang mahigit 50 taon.