-- Advertisements --

Plano ngayon ng Japan na tanggalin na ang coronavirus state of emergency sa Osaka, Kyoto at apat na iba pang prefectures.

Kasunod ito ng tuluyang pagbaba ng bilang ng mga nadadapuan ng virus.

Sinabi ni Prime MInister Yoshihide Suga na ipapanatili pa rin nito ang state of emergency sa Tokyo at tatlong katabing prefecture hanggang Marso 7.

Sinabi nito na magkakaroon muna sila ng pagpupulong kung tatanggalin rin ang state of emergency sa Kyoto, Tokyo, Hyogo, Aichi, Fukuoka, Gifu, Tokyo, Kanagawa, Chiba at Saitama.

Sisimulan din nila sa Abril 12 ang pagturok ng COVID-19 vaccine sa mga may edad.

Magugunitang noong Pebrero 7 sana matatapos ang state of emergency subalit ito ay pinalawig pa ng isang buwan hanggang Marso 7.