-- Advertisements --

Tinanggal na ang state of emergency sa maraming lugar sa Japan.

Umaabot sa 39 sa kabuuang 47 na bayan at lungsod sa Japan ang natanggal na sa state of emergency.

Sinabi Japanese Prime Minister Shinzo Abe, na resulta ito ng pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa kanilang bansa.

Nanawagan din ito sa kaniyang mamamayan na magsuot pa rin ng face mask at sundin ang physical distancing.

Dagdag pa nito na posibleng hanggang sa Mayo 31 ay matatanggal na ang state of emergency sa mga natitirang lugar.