Nagluluksa ngayon ang buong Russia matapos ang pagkamatay ng limang nuclear specialists na empleyado ng isang atomic energy corporation dahil sa pagsabog nito.
Nasawi ang limang elite scientists ng naturang bansa habang isinasagawa ang liquid propulsion system test. Kinilala ang mga biktima na sina Alexey Vyushin, Yevgeny Koratayev, Vyacheslav Lipshev, Sergey Pichugin at Vladislav Yanovsky.
Napag-alaman ng mga otoridad sa northern Russia ang biglaang pagtaas ng radiation level na hinihinalang dahilan ng nasabing pagsabog.
Nagdeklara ng official state of mourning sa Sarov, Russia bilang paggunita sa mga namatay na scientists.
Tanyag ang Sarov bilang isa sa sikretong syudad ng Russia. Tanging may mga special permit lamang ang maaaring makapasok dito
Hindi naman itinanggi ng Russian Ministry of Defense na mayroon ngang nangyaring pagkakamali sa isinagawang test. Dahil dito, kabi-kabilang katanungan ang bumabalot sa Russia sa tunay na dahilan kung ano nga ba ang tunay na naganap sa test range.
Kinantyawan naman ni US President Donald Trump ang nangyaring insidente sa Russia na nagdulot umano ng takot at pangamba sa nakararami.