Inilabas na ng Malacañang ang Proclamation 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa kaugnay sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proklamasyon kahapon, Marso 8, kasunod ng kumpirmasyon sa unang kaso ng localized transmission ng COVID-19 sa bansa at batay sa rekomendasyon ni Health Sec. Francisco Duque III.
Nakapaloob dito na ang outbreak ng COVID-19 ay isa ng emergency situation na banta sa national security at nangangailangan ng pagtugon ng buong gobyerno.
Sinabi ni Sec. Duque, layunin ng deklarasyon na ma-facilitate ang access ng funding lalo ng mga local government units sa pagtugon sa virus; mapabilis ang procurement process; magkaroon ng mandatory reporting ng mga health facilities kabilang na ang mga private hospitals; magpatupad ng mandatory quarantine, at pagpapairal ng price freeze sa mga kinakailangang produkto o materials para maiwasang samantalahin ng mga abusadong negosyante.