Nanguna si Commission on Higher Education (CHEd) Chairman J. Prospero E. de Vera III sa pagpapasinaya sa advanced research laboratory para sa testing ng mga illegal substances sa University of the Philippines Manila (UP Manila).
Pinapurihan ni De Vera, na siyang kumatawan kay Presidente Rodrigo Duterte, ang inisyatiba ng UP Manila na maglagay ng laboratoryo at magkaroon ng ugnayan sa University of California San Francisco at iba pang mga law enforcement agencies upang palakasin ang local capacity sa drug testing.
Ang UP Drugs of Abuse Research Laboratory (UP DARL) ay magkatuwang na pinondohan ng CHED– Philippine-California Advanced Research Institutes (CHEd-PCARI) program.
Dahil sa kakulangan ng research laboratories sa Pilipinas, inaasahang mapupunan ng UP DARL ang laboratory diagnosis sa mga substance use and abuse sa bansa.
Sa ngayon ang Department of Health (DOH) ay merong libong mga laboratories na accredited para sa drug screening.
Pero sa naturang bilang ay apat lamang ang nabigyan ng lisensiya ng department’s Health Facilities and Services Regulatory Bureau para mag-operate bilang drug confirmatory laboratories.
“UP-DARL will allow for testing both traditional illegal drugs and novel designer drugs. It will facilitate the identification of a wider class of drug compounds not presently captured by existing testing laboratories in the Philippines,†paliwanag pa ng project leader na si Dr. Monet Loquias, professor at dean ng UP College of Pharmacy.
Samantala, target naman ng bagong hi-tech na proyekto ang magkaroon ng drug testing kit na maaring magtukoy sa mahigit 100 illegal substances sa isang tao.
Liban nito, magiging mas mura pa ito dahil gawa lamang sa Pilipinas.
Sa ngayon ang available na drug testing kits ay maaari lamang makatukoy sa apat hanggang limang mga illegal substances.
Sa kabilang dako nakibahagi rin sa launching ang Dangerous Drugs Board (DDB), kinatawan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI).