-- Advertisements --

CEBU – Hindi tulad ng karaniwang mahabang talumpati para sa State of the City Address, ipinakita lamang ni Cebu City Mayor Michael Rama sa pamamagitan ng audio-visual presentation kung ano ang nagawa at gagawin niya sa Cebu City para sa pangarap niyang Singapore-like Cebu City.

Makikita sa presentasyon kung ano ang ginawa ng alkalde ng lungsod para masolusyunan ang ilang problema, gayundin ang kanyang balak gawin sa pamamagitan ng mga programa ng lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ng Cebu City.

Umani ito nang ibat-ibang reaksyon dahil hindi tulad ng nakagawian na mahabang talumpati.

Maraming nadismaya sa SOCA dahil umaasa umano sila ng ‘speech’ mula sa alkalde ng lungsod, ngunit nagpalabas lamang ito ng audio-visual presentation, na sa mga komento ng ilan ay tila isang ‘ pagpapalabas ng pelikula’ ang kaganapan.

Nagkakaroon rin ng Thanksgiving Dinner kagabi, kung saan ginanap ito sa isang hotel at maraming kilalang mga bisita ang dumalo.

Ang State of the City Address (SOCA) ay dinaluhan ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia, kasama si Provincial Board Member Glenn Anthony Soco, gayundin ang mga konsehal ng Cebu City.