Isasgawa sa Marso 1 ang State of the Union address ni US President Joe Biden.
Sinabi ni White House spokesperson Karine Jean- Pierre na tinanggap ni Biden ang imbitasyon na doon gawin ang talumpati sa Kongreso.
Mismo si US House Speaker Nancy Pelosi ang ang nag-imbita sa US President.
Ito rin ang unang pagkakataon na gawin sa buwan ng Marso ang State of Union address ng isang pangulo.
Kadalasang isinasagawa kasi ito tuwing Enero at Pebrero.
Sa Marso 1 kasi ay ang pagsisimula ng congressional election season habang ang Texas ay magsasagawa ng primary elections kung saan ang Democrats at Republicans ay pipili ng kandidato nila para sa November 8 elections.
Noong 2013 ay isinagawa ni dating Pres. Barack Obama ang kaniyang annual State of Union Address ng Pebrero 12.