Ipagpapatuloy pa rin ni US President Donald Trump sa Pebrero 4 ang kaniyang State of the Union Address.
Ito ay matapos na tanggapin niya ang imbitasyon mula kay House Speaker Nancy Pelosi.
Inimbitahan ni Pelosi si Trump para sa joint sessions ng US Congress at doon isasabay ang kaniyang talumpati.
Inaasahan naman ng maraming political analyst na magiging kakaiba ang talumpati ni Trump dahil inimbitahan lamang ito ni Pelosi dalawang araw matapos na aprubahan ng mga kongresista ang dalawang articles of impeachment laban sa US President.
Una rito, hiniling ni Trump ang agarang impeachment trial na sa Senado.
Ito ay kasunod ng hindi pagkakasundo ng mga Democrats at Republicans sa Senado kung kailan ito sisimulan.
Nangangamba kasi ang mga Democrats na baka hindi magkaroon ng patas na pagdinig ang Senado dahil dominado ito ng Republicans na kaalyado ni Trump.
Ayon sa US President na dapat magkaroon na ng mabilisang impeachment trial sa senado dahil hindi ito nabigyan ng due process sa House of Representatives.
Walang witness, walang abogado aniya na mula sa kampo ni Trump ang ipinatawag sa impeachment trial sa kongreso.
Kung maalala hindi pa nagkasundo ang mga Republicans at Democrats kung paano ang magiging set-up ng impeachment trial kaya hindi pa ito isinusumite sa Senado ni Pelosi ang articles of impeachment.