-- Advertisements --
107313160 1696661234669 gettyimages 1711150149 20090101231007 911 002189

Nagdeklara ng state of war alert ang militar ng Israel matapos ang pag-atake ng Islamist militant group na Hamas na ikinasugat na ng 100 katao.

Ayon sa Israel Defense Forces, pinakilos na ang kanilang mga sundalo at nanawagan sa mga reservist na maging handa na mag-augment bilang tugon sa pag-atake ng Hamas.

Base sa hamas, naglunsad ito ng 5,000 rockets laban sa Israel sa operasyong tinawag nitong Al-Aqsa Storm target ang mga kalaban, paliparan at military positions.

Malaking bilang din ng mga militante mula sa Gaza ang nakapasok na sa teritoryo ng Israel kayat binalaan ng Israel Defense Forces ang mga Israelis na naninirahan malapit sa Gaza na manatili sa kanilang tahanan.

Una ng napaulat ayon sa Israel rescue service, mayroon ng isang lola na tinatayang nasa edad na 60s ang nasawi sa rocket barrage.

Nakatakda namang mag-convene ang Security Cabinet ng Israel ngayong araw, 1pm local time sa Israel Defense Forces headquarters sa Tel Aviv

Ang surprise rocket at infiltration attacks ng Hamas sa Israel ay kasuno ng ika-50 anibersaryo ng 1973 war na isang surprise attack ng karatig na Arab country ng Israel na sumiklab noong Oktubre 6, 1973.

Sa naging mensahe naman ngayong araw ni Muhammad Al-Deif, ang Hamas military commander, sinabi nito na ang pag-aatake nila sa Israel ay tugon sa pag-atake sa mga kababaihan, paglapastangan Al-Aqsa mosque at pagkubkob sa Gaza.