Walang nakikitang dahilan ang MalacaƱang para tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling imbitahan siya ni US Presumptive President Joe Biden na bumisita sa Estados Unidos.
Magugunitang sa nagdaang Obama at Trump administration, hindi pumunta ng Amerika si Pangulong Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakadepende rin kung aanyayahan ni Biden si Pangulong Duterte sa White House para sa isang state visit bago matapos ang termino ng pangulo sa 2022.
Sa mga nakalipas na taon, makailang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na hinding hindi siya tatapak sa lupa ng Amerika.
Ito ay dahil sa pakikialam noon ng dating administrasyong Obama sa usaping panloob ng Pilipinas kasama na ang anti-drug war ng administrasyong Duterte.
Sa panahon naman ni outgoing US President Donald Trump na sinasabing kaibigan ni Pangulong Duterte, hindi pa rin ito bumisita sa Amerika.
Sa ngayon, inihayag ni Sec. Roque na nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Duterte kay Biden.