Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malaysia ay magpapabilis sa P3 billion investment deal sa pagitan ng Metro Pacific Investment Corp at nangungunang rail services company ng Malaysia na Hartasuma Sdn. Bhd.
Ang nasabing halaga ay ilalan para sa rail-oriented projects sa Pilipinas ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Sa ilalim ng collaboration agreement, nagpahayag ang dalawang kompaniya ng pagnanais na makibahagi sa railway engineering at maintenance at iba pang rail-oriented projects sa bansa alinsunod sa layunin ng gobyerno ng Pilipinas para maisamoderno ang railway network sa bansa.
Layunin din ng kasunduan na makapagbigay ng framework para sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang kompaniya na magtutulungan para matukoy ang posibleng joint dvelopment at joint venture sa railway projects.