-- Advertisements --

Muling naglabas ng babala ang Department of Science and Technology (DOST) ukol sa matataas na daluyong sa mga karagatan sa Luzon dahil sa epekto ng bagyong Marce.

Ayon sa ahensiya, dahil sa northeasterly wind flow ay maaaring maranasan ang matataas na daluyong sa mga karagatang sakop ng Ilocos Sur, Aurora, Quezon, and Camarines Norte.

Maliban dito, kasalukuyan na ring nakataas ang gale warning sa eastern at northern seaboard ng Northern Luzon dahil sa masungit na panahon.

Paalala ng ahensiya sa mga manlalayag at mga mangingisda, huwag nang magpumilit na maglayag, magbiyahe, o mangisda, dahil sa panganib sa mga karagatan.

Ayon pa sa ahensiya, mapanganib ang paglalayag sa lahat ng tonnage ng barko sa lahat ng mga nabanggit na karagatan.