-- Advertisements --

Naglabas ng thunderstorm advisory ang state weather bureau ang PAGASA.

Batay sa inilabas na weather bulletin ng ahensiya kaninang alas-10:05 ng umaga na makakaranas ng moderate to heavy na pag-ulan na may kasamang pagkulog at malakas na hangin sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Ang mga lugar na apektado ay ang mga sumusunod: Metro Manila, Bataas, Quezon, Batangas, Cavite, Bulacan, Rizal, Laguna, Nueva Ecija at Tarlac.

Pinayuhan ang mga residente na mag-ingat.