-- Advertisements --

Naglabas ng Storm Surge Warning no.10 ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa Tropical Cyclone Pepito (PepitoPH), na nagpapahiwatig ng mataas na panganib ng storm surge sa iba’t ibang coastal areas sa susunod na 48 oras.

Nakaamba ang mataas na panganib ng buhay dahil sa malakas na hangin at ulan na dala ng Super Typhoon Pepito.

Ang mga residente sa mga komunidad sa mababang baybayin ay dapat magkaroon ng kamalayan sa potensyal na pagbabanta sa buhay na pagbaha mula sa pagtaas ng tubig dagat at mataas na alon.

Tinatayang nasa mahigit tatlong metro ang taas ng tubig na dulot ng storm surge na mararanasan sa probinsiya ng Pangasinan, Aurora, Quezon, Camarines Norte.

Nasa 2.1 hanggang 3 metrong taas ng tubig ang mararanasan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Bataan, Zambales, Metro Manila, Quezon, Batangas, Cavite, Marinduque, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon.

Habang nasa isa hanggang dalawang metro naman sa Ilocos Norte, Bataan, Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Sorsogon.

Mariing pinapayuhan ng state weather bureau ang mga residente na nakatira sa mga low-lying coastal communities na lumikas na muna patungo sa mataas na lugar, huwag na munang pumalaot.