Hindi inaasahan ng state weather bureau na may mabubuong tropical cyclone-like vortex (TCLV) sa loob ng monitoring domain nito mula isa hanggang dalawang lingo.
Ito ay batay sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast na inilabas ng weather bureau na balido sa para sa dalawang lingo.
Ang forecast period ay balido mula April 16 hanggang April 22 at April 23 hanggang April 29, 2025.
Dahil dito, walang nakataas na threat potential sa loob ng naturang forecast period.
Sa kabila nito ay sinusubaybayan pa ng ahensya ang anumang posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. Ayon sa weather bureau, maglalabas din ito ng akmang advisory sa mga susunod na araw kung kinakailangan.
Pinaalalahanan naman ng weather bureau ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMOs) na mag-antabay sa mga susunod na updates ng ahensya dahil maaari pang magbago ang pagtaya o forecast sa anumang oras.