-- Advertisements --

Sa pamamagitan ng static display na makikita sa Bonifacio Global City sa Taguig, ginunita ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang unang anibersaryo ng Marawi siege ngayong araw.

Ayon kay PNP chief police director Gen. Oscar Albayalde, ipinakita ng SAF ang kanilang mga karanasan noong kasagsagan ng giyera.

Kabilang kasi ang elite force ng PNP na nakipaglaban sa mga teroristang Maute-ISIS (ISlamic State of Iraq and Syria) para mapalaya ang Marawi.

Kasama pa rin ang PNP sa pagbibigay suporta sa Armed Forces of the Philippines para sa nakatakdang ipapatupad na recovery program.

Naantala lamang ito dahil sa may mga unexploded ordnance pa rin sa ilang lugar sa main battle area na kailangan i-clear ng militar.

“Yung SAF may static display sa BGC highlighting the participation of SAF and other PNP personnel doon sa Marawi siege,” wika ni Albayalde.