-- Advertisements --
cebu chairman mambaling senior citizens
Senior citizens during the distribution of rice subsidy at Brgy Mambaling

CEBU CITY – Kinasuhan ng isang punong barangay ng Cebu City ang station manager at ang chief of anchor ng Bombo Radyo Cebu dahil sa paglabag umano ng mga ito sa Republic Act 11469 Bayanihan to Heal As One Act, Paragraph 6 (f).

Nakasaad daw sa naturang bagong batas ang pagpapataw ng penalties sa sinumang indibidwal at grupo na gumagawa at magpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa COVID-19 crisis gamit ang social media at ibang platforms at maging ang sinumang sumasali sa cybercrime incidents sa kasagsagan ng crisis situation.

Ito ay dahil sa umano’y libelous at foul words na sinabi ng mga Bombo anchormen laban kay Brgy. Mambaling captain Atty. Gines Abellana.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban kina station manager Marchoflix Lucabon at chief of anchor Jun Salde matapos tinalakay ng mga ito ang distribusyon ng rice subsidy sa 16 na sitio ng Brgy Mambaling kabilang na ang Sitio Alaska na isa sa tinaguriang epicenter ng COVID-19 cases sa lungsod ng Cebu.

Una nang inihayag ni Kapitan Abellana sa programang “Bombo Reports Afternoon Edition” na isang sakong bigas umano ang kanyang ipamimigay sa kanyang mga constituents ngunit taliwas naman ito sa natanggap ng mga residente kung saan inireklamo pa ito sa himpilan ng Bombo Radyo Cebu.

kapitan Gines Abellana 1
FB video grab Brgy. Mambaling captain Atty. Gines Abellana

Sa pangalawang pagkakataon naman nang makapanayam muli ng Bombo Radyo ang kapitan pinabulaanan na nito ang kanyang unang pahayag kung saan humantong sa mainit na diskusyon.

Inalmahan din ng kapitan ang paggamit umano ng foul words ni Salde laban sa kanya nang muling ipa-broadcast on-air ang kanilang interview ni Lucabon sa programang “Zona Libre.”

cebu mambaling
Senior citizens during the distribution of rice subsidy at Brgy Mambaling

Samantala, maliban sa distribution ng rice subsidy tinalakay din ng Bombo Radyo Cebu anchormen ang viral video kung saan pumila ang maraming senior citizens sa gym ng naturang barangay upang makakuha ng kanilang financial assistance kahit pa man pinagbabawal na ang paglabas ng mga matatanda.

Makikitang nandoon ang kapitan at nag-utos pa na pabalikin ang mga ito kinabukasan.

Sa ngayon natanggap na nina Lucabon at Salde ang subpoena ng kaso laban sa kanila at handa umano ang dalawa sa pagsagot sa mga alegasyon.