-- Advertisements --

Wala pa umanong kasiguraduhan sa ngayon kung makakasama ng Los Angeles Lakers sa kanilang unang laro sa muling pagbubukas ng NBA season si All-Star forward Anthony Davis dahil sa natamo nitong eye injury.

Kung maaalala, nakuha ni Davis ang injury makaraang masundot ang kanyang mata sa ikalawang scrimmage ng Lakers, kaya napilitan itong hindi maglaro sa huling exhibition ng koponan sa Walt Disney World.

Hindi rin aniya lumahok si Davis sa ensayo ng team ngayong araw.

Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, patuloy ang ginagawang evaluation sa kalagayan ng 6-foot-10 star.

Umaasa naman si Vogel na makakasama pa rin nila si Davis sa restart opener ng Lakers kung saan makakatunggali nila ang karibal nilang LA Clippers na gaganapin na sa Biyernes (Manila time).

“There is some concern that he could potentially not play Thursday, but we’re hopeful that he does and we’ll see how that plays out,” ani Vogel. “He’s going to continue to be evaluated each day.”