-- Advertisements --
Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong isinuko sa China noong ito ay namumuno pa.
Sinabi nito na ang naging pag-uusap lamang nila ni Chinese President Xi Jinping ay dapat magkaroon ng status quo.
Kung saan ang Pilipnas at China ay hindi maaring gumawa ng hakbang na ikakagulo sa West Philippine Sea kabilang na ang pagdadala ng mga construction materials sa BRP Seirra Madre.
Pagtitiyak nito na ito ay isang matinong ‘gentleman’s agreeement” na mapapanatili ang katahimikan sa WPS.