-- Advertisements --
TOOTS OPLE DMW

Wala pang inilabas na abiso ang Department of Migrant Workers (DMW) kaugnay sa sitwasyon kung tatanggalin o hindi ang deployment ban para sa mga overseas Filipino worker(OFWs).

Ito ay sa kabila ng pakipagpulong ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople sa kaniyang mga counterpart sa Saudi Arabia.

Base sa ulat walang indikasyon ng pagwawakas sa deployment ban na ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas noong 2016.

Nauna nang nakipagpulong si Susan Ople kay Saudi Ministry of Human Resources and Social Development, Ahmad Al-Rajhi, at tinalakay ang pagbuo ng bilateral na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, mga kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga overseas Filipino worker, at paglikha ng awareness sa mga karaniwang isyu.

Gayunpaman, nangako si Al-Rajhi kay Ople na titingnan ang mga kaso ng mga OFW na dumanas ng pang-aabuso at pagmamaltrato sa kamay ng mga abusadong employer ng Saudi.

Sa kabilang banda, ipinahayag ni Ople ang kanyang paggalang sa patakaran ng Saudization na naglalayong lumikha at unahin ang mga Saudi national para sa mga oportunidad sa trabaho.