Dumanas ng 40 points na pagkatalo ang Golden State Warriors sa kamay ng defending champion na Boston Celtics, 125 – 85.
Hindi na nakabawi ang GS mula sa unang quarter hanggang matapos ang laban kasunod na rin ng 11-point deficit na dinanas ng GS sa pagtatapos ng 1st quarter, 29 – 18.
Tuloy-tuloy na itong tinambakan ng Cetics kung saan sa pagtatapos ng 3rd quarter ay hawak na ng defending champion ang 34 points na kalamangan.
Muling nagpakita ng episyenteng opensa ang Boston sa pangunguna ng big-3 ng koponan na sina Jaylen Brown, Kristaps Porzingis, at Jayson Tatum.
Sa loob ng below-30 mins na paglalaro sa court, pawang nagpakita ang mga ito ng dominant offense; 22 points ang naipasok ni Tatum, 17 kay Brown, at 18 kay Porzingis.
Hindi na rin pinaglaro ang tatlo sa huling bahagi ng laban kasunod ng impresibong pagsisimula ng laro.
Nalimitahan lamang si Stephen Curry sa 18 points habang 13 points naman ang ambag ng bench na si Moses Moody.
Maalalang magkasunod na panalo ang naibulsa ng Warriors laban sa Minnesota Timberwolves at Washington Wizards matapos ang dominanteng performance ngunit tuluyan ding bumagsak ang koponan sa 21-21 win-loss record.
Ito na ang ika-30 panalo ng Boston ngayong season habang napanatili nito sa 13 ang pagkatalo.