Binuhat ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors (GSW) para ibulsa ang panalo laban sa Minnesota Timberwolves, tangan ang isang puntos na kalamangan, 116 – 115.
Kumamada si Curry ng 31 points at walong assists sa panalo ng GSW habang 24 points naman ang ambag ng forward na si Andrew Wiggins.
Hindi pa rin nakapaglaro si Draymond Green sa naging laban ng Warriors ngunit ipinalit sa kaniya ang sophomore na si Trayce Jackson-Davis bilang sentro.
Kumamada si Davis ng 15 rebounds, at dalawang blocks, daan upang pangunahan ang depensa ng GSW.
Hindi naman umubra ang tig-28 points na ipinasok ng dalawang guard ng Minnesota na sina Anthony Edwards at Donte DiVicenzo.
Napigilan ng Warriors ang comeback attempt ng Wolves sa 2nd half ng laban kasunod na rin ng 13-point lead na hawak ng GSW sa pagtatapos ng 1st half.
Pinilit kasi ng Wolves na habulin ang GSW sa ikatlo at huling quarter ng laban gamit ang offensive explosion nina Edwards at Donte.
Gayunpaman, napigilan ng GSW ang last-second shot attempt ng Wolves at ibinulsa ang 1-pt win laban sa kalaban.