-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si NBA star Stephen Curry kay Vice President Kamala Harris para maging pangulo ng US.

Sinabi ng Golden State Warriors star na ang tagumpay ng team USA sa Olympics ay siyang magdadala sa pagkakaisa ng US sa papalapit na halalan.

Noon pa man ay naging malapit na kaibigan na ni Curry si Harris na isinilang sa Oakland at matagal ng fan ng nasabing koponan.

Dagdag pa ni Curry na ang pagtakbo ni Harris sa halalan ay siyang nagpapsabik sa mga botante na haharap kay dating US President Donald Trump.