-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Barangay Ginebra ang mga bagong lineups nila sa pagbubukas ng bagong season ng PBA.

Ito ay sa pamamagitan ni Stephen Holt na nakuha ng Gins sa pamamagitan ng blockbuster trade ng TerraFirma Dyip.

Sinabi nito na nagulat na lamang siya ng lumabas ang pangalan sa listahan ng Ginebra.

Mula noon ay sumali na siya sa mga ginagawang pagsasanay ng Barangay Ginebra sa pamumuno ni coach Tim Cone.

Pinasalamatan nito ang TerraFirma dahil sa doon ito nagsimulang sumikat.