-- Advertisements --

Hindi na napiling maging host ng Miss Universe pageant ang si Steve Harvey.

Ayon kay Miss Universe Organization CEO Amy Emmerich na papalitan nila ang sikat na host na isang babae.

Posible sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo nila kung sino ang napiling maging bagong host.

Paliwanag pa ni Emmerich na bahagi ng pagbabago ang kanilang ipapatupad ang pagpapalit ng host ng nasabing pageant.

Naging host si Harvey ng limang taon base na rin sa kontrata na kaniyang pinirmahan.

Magugunitang sumikat si Harvey sa Pilipinas matapos na nagkamali itong ianunsiyo na ang nanalong Miss Universe 2015 ay ang pambato ng Columbia subalit kaniya itong binawi at inaming nagkamali at ang naging tunay na nagwagi ay ang pambato ng bansa na si Pia Wurtzbach.