Ang young rising superstar sa Dallas Mavericks na si Luka Doncic ay tumanggap nang papuri mula mismo sa Golden State Warriors head coach Stever Kerr.
Anya Kerr sa isang interview, natural ang pagiging matalino ni Doncic sa loob ng court.
Dagdag pa nito, alam na kaagad ng batang player ang gagawin bago pa ang kalaban kaya naman naikumpara niya ito sa NBA legend na si Larry Bird.
Inihalintulad din ni Kerr si Doncic kay Houston Rockets player James Harden.
Makikita raw ito sa husay sa dribbling, crossover, at pag-step-back.
Ngayon pa lamang si Doncic ay nagiging prominenteng manlalaro na sa NBA dahil sa istilo nito.
Sa edad na 20 ay sinasabing magiging malaki ang impluwensiya nito sa liga.
Ang 6’7″ Slovenian player ay kasalukuyang point guard ng Mavericks na may average scoring na 23.8 per game.
Ika-anim ang Dallas sa Western Conference na kasalukuyang pinangungunahan ng LA Lakers ang 2019-2020 season.
Ang Mavericks ay mayroong 25 na ring panalo at 15 talo.