-- Advertisements --

Lubos ang kasiyahan ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr matapos na tanghalin siya ng koponan bilang all-time winningest coach.

Naitala nito ang record ng talunin nila ang New York Knicks 97-94.

Dahil sa panalo ay nakamit nito ang pang-558 regular seaon victory.

Sinabi nito na hindi niya maipaliwanag ang nasabing pagkilala dahil sa ginagawa niya ang lahat ng makakaya sa loob ng 11 taon na pagiging head coach ng koponan.

Ang 59-anyos na si Kerr ay siyang nagdala ng unang kampeonato ng Warriors sa looob ng 40 taon na nakamit noong 2014-2015 season.

Mayroong 558 panalo at 302 na talo ang Warriors s ilalim ni Kerr sa loob ng 860 na laro habang ang dating winningest coach na si Al Attles ay nakuha ang 557 na panalo sa loob ng 1,075 na laro.