-- Advertisements --
kerr 3

Inanunsiyo ngayon ng USA Basketball ang pagtatalaga kay Steve Kerr bilang bagong head coach ng U.S. men’s national team.

Papalitan niya ang veteran coach na si Gregg Popovich na natapos na ang kontrata makaraang muling mamayani ang Estados Unidos sa Tokyo Olympics para sa gold medal.

Kung maalala naging bahagi rin sa coaching staff noon sa Tokyo Olympics si Kerr.

Sa pagkakataong ito pangungunahan na mismo ni Kerr ang national team sa gaganaping 2023 Basketball World Cup at ang 2024 Paris Olympics.

erik

Aminado naman si Kerr, na tatlong beses nang nagkampeon sa paghawak sa Golden State Warriors sa NBA, na nasorpresa pa rin siya at labis ang kanyang excitement dahil maituturing itong “dream job.”

Samantala, magsisilbing assistant coaches ni Kerr sina Miami coach ang Fil-Am na si si Erik Spoelstra, Phoenix coach Monty Williams at Gonzaga University coach Mark Few.