Hindi umano maglalaro para sa New Zealand si NBA star Steven Adams sa darating na FIBA World Cup sa China sa Agosto.
Una nang napabilang ang pangalan ni Adams sa inisyal na 25-man squad para sa naturang torneyo.
Sa pamamagitan ng kanyang management, ipinabatid ni Adams sa Basketball New Zealand na hindi raw ito available para sa world meet.
Hindi naman nagbigay ang panig ng Oklahoma City Thunder center ng rason sa pagtanggi nito.
Gayunman, nagpahayag ng kasabikan si Adams na maglaro para sa New Zealand sa hinaharap.
“Steven’s support of the (New Zealand team) and his interest in playing for the program at some point down the line is unwavering,” saad sa pahayag. “While he won’t be participating this year with the national team, his plan is to evaluate the opportunity to play in the 2020 Olympics following the upcoming NBA season.”