-- Advertisements --

Binigyan ng lifetime achievement awards sa Berlin Film Festival sa Germany ang beteranong film director na si Steven Spielberg.

Ang 76-anyos na director ay siyang nasa likod ng mga sikat na pelikula gaya ng “E.T” at “Jaws”.

Sinabi nito na hindi siya nagsasawang gumawa ng mga pelikula.

Sa katunayan aniya ay mayroon itong gagawing HBO series.

Nagbigay din ito ng payo sa mga nais na gumawa ng pelikula kung saan dapat ay matutuo muna ang mga ito na sumulat.