-- Advertisements --
Miss Universe Rabiya Swimsuit 2 1
IMAGE | Screengrab, Miss Universe Organization/Twitter

FLORIDA, USA – Bigong makapasok sa Top 10 ng 69th Miss Universe ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Ibig sabihin, wala nang tsansa ang bansa na masungkit ang prestihiyosong korona ng Miss Universe.

Kabilang sa mga tinawag na Top 10 candidates ay ang mula sa mga bansang:

  • Jamaica
  • Dominican Republic
  • India
  • Peru
  • Australia
  • Puerto Rico
  • Thailand
  • Costa Rica
  • Mexico
  • Brazil

Noong nakaraang taon nang koronahan si Mateo, na tubong Ilo-ilo, bilang Miss Universe Philippines.

Unang nakapasok sa Top 21 ng pageant ang Pinay beauty queen.

Ang pambato ng South Africa noong 2019 ang reigning Miss Universe na si Zozini Tunzi.